Bathala

Ikaw na itinakda, mapagmahal at nagmamahal. Humayo at ibahagi ang kahulugan ng pag-ibig


Makipag-ugnay:


MGA TUNTUNIN AT KUNDISYON

1. Maiging maging 101% na sigurado sa order na pipiliin.

2. MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL ANG PAGKANSELA NG PRODUKTO. Mayroong Php 200.00 cancellation fee at kung hindi ito mabayaran ay ipopost ang inyong litrato sa mga pahina bilang bogus buyer at pangalan ninyo ay magiging banned.

3. PROSESO NG INYONG ORDER.
-Mayroon kang 2 araw upang makumpleto ang bayad ngunit maski hindi pa bayad ang iyong order ay aming iproproseso na ito upang handa na itong ipadala.
-Matapos makumpleto ang inyog kabayaran ay umasang matatangap mo ang produkto sa loob ng 1-2 araw.

4. BAYAD MUNA.
-Kailangan makumpleto ang kabayaran sa loob ng ibinigay na 2 araw sapagkat kapag hindi ito nabyaran ay mayroong late fee na Php 50.00.
-Mayroong dalawang kabyaran isa para sa produkto at isa naman ay para sa paghahatid ng produkto(delivery fee).
-Tumatangap lamang kami ng cash on delivery para lamang sa bayad ng DELIVERY FEE sa aming sariling courier.
-Kung hindi sa pamamagitan ng aming sariling courier ay kailangang BAYARAN MUNA ANG DELIVERY FEE bago namin ito tuluyang ipadala.

5. ISA HANGGANG DALAWANG ARAW NA PAGPROPROSESO NG ORDER.
-Kailangan lamang magbayad ng karagdagang Php 30.00

6. ANG DELIVERY FEE AY NAKABASE SA INYONG LOKASYON.
-Presyo ng aming sariling courier
Mandaluyong Area ( Php 20.00 -40.00 )
Karatig bayan (Php 60.00 - 100.00)

7. Siguraduhin lamang na maging partikular sa lahat ng detalyeng ibibigay sa aming mga impormasyon na hinihingi.

8. Ang mga courier na hindi sa Bathala ay responsable para sa mga magiging pinsala ng produkto.

9. RESERBASYON.
-Kung gusto makasiguro sa AVAILABILITY ng nais na produkto mangyari lamang na magpareserba 7 araw bago ang ninanais na araw ng pagtanggap ng order.

Padalhan kami ng Email sa [email protected] o sa Instagram @bathalang_maylikha para sa mga concern.


MGA KATANUNGAN

1. Saan ang inyong lokasyon?
Barangka, Mandaluyong City
2. Gaano ninyo katagal ipinapadala ang mga order ?

1-2 araw matapos makumpleto ang buong kabayaran.Kung gusto iparush ang iyong order at matanggap sa mismong araw na ito ay binili mayroon itong Php 30.00 rush fee.
3. Tumatanggap ba kayo ng meet ups?
Oo, ngunit sa McDonald's Barngka lamang at may kabayaran parin itong Php 200.00
4. Puwede ba naming kunin na lamang ang order direkta sa inyo upang walang bayad na delivery fee?
Oo, ngunit sa Vet lamang sa Barangka.
5. Magkano ang inyong Delivery fee?
Ito ay nakabasi sa inyong lokasyon. Kung sa loob lamang ng Mandaluyong ay Php 20.00 - 40.00 Kung sa sarili naming courier para sa mga karatig bayan ay Php 60.00 - 100.00 lamang. Ngunit kung gagamit ng ibang courier ay nakabasi ang bayad sa inyong lokasyon.

Kung ang inyong katanungan ay wala dito mangyari lamang na lumapit saamin sa [email protected] at pangalanan itong KATANUNGAN.


PAANO UMORDER

1. Pindutin ang order form

2. Siguraduhin na naintindihan at sumangayon sa tuntunin at kondisyon.

3. Ibigay ang iyong tiyak at kumpletong impormasyon.

4. Mamili ng gustong produkto.

5. Ipadala at siguraduhing may sariling kopya ng mga resibo upang mapanatili ang seguridad ng iyong order.


MGA FORM

Order Form
Ang form na ito ay dapat mapunan ng mga angkop at eksaktong detalye upang maproseso namin ang inyong mga order.
Katibayan ng Katapatan (form para sa Loayalty card)
Ang form na ito ay nagsisilbing katibayan na ikaw ay maaring makatanggap ng kupon, libreng produkto o ibang pang ekslusibong puwedeng matanggap mula saamin.
Patunay ng Pagbayad

Ang form na ito ay katibayan ng inyong kabayaran upang maisaayos at makatiyak kami sa pagpapadala ng produkto.
Paghahatid

Ang form na ito ay labis na kinakailangan upang tiyak na maipadala namin sainyo mismo o kung saan ninyo ninanais makarating ang produkto.


Itinakda, ito ang mga dapat mong malaman

GARAPON


Itinakda,
Magalak kang basahin ang mga sulat na ito,yari ng pag-ibig sa iyo. Dinggin mo ang bawat linya at panghawakan ang mga salita. Patuloy kang magmahal at magbigay ng pagmamahal.

PURSELAS

Itinakda,
Ang purselas na ito ay sumusimbolo sa ninanais niyong panghawakan na mga pangako at hiraya. Ipinag-isa ang bawat kulay ng katangian mong karikitan na bumubuo sa iyong katauhan. Gamitin mo itong palatandaan na ikaw ay namumukod tangi.

WALANG HANGGANG BULAKLAK

Itinakda,

Marapatin mo ang mga kawalang-hangang bulaklak na ito bilang tanda ng hindi nagkandamatay na pag-ibig at ang kanilang paghanga sa iyo.Maalala mo sana sa tuwing makikita mo ang mga bulaklak na ito ang iyong karilagan at kadakilaan.

ARAW

Umagang payapa,
Araw ay sumisikat
Lahat bumabangon
Umabot sa bukas

Ihip ng hangin
Tahimik na humu huni
Dala dala ay pag-asa
Langit laging saksi

BUWAN

Matatapos na din
May roong mawawala
Dumating man ay dilim
Gumagabay ang mga tala

Liwanag na angkin
Bituin ang kasama
Dalangin ay sambitin
Gigising ng mapayapa